Searching...
Tuesday, 30 October 2012

Lil-Sisa feat. Kawayan – Melodiya Lyrics

08:02


Here's LIL SISA LYRICS to song “MELODIYA” FEAT. KAWAYAN.

1
Parang humanap ng karayom sa nagtumpukang dayami,
malabo kong iisipin ngunit nagbakasakali
sumugal ng panahon sa pag saulo ng tula,
yapak kong binabaybay malubak na panimula,
kinakapa tingin kong patag, na pwedeng matatapakan,
manhid na paa na may paltos sa talampakan,
nadulas sa panghahamak, panghuhusga't paratang
salita ng itaas ang syang nagsisilbi kong tapang
pandilig ko'y tanging luha sa pinupunlang dalangin,
atlis paglumago ang pananim may aanihin,
di man ngayon o bukas, o baka balang araw,
dating nasa ilalim pasulong na iibabaw,
bagamat hindi mayaman, sadlak minsan sa kulang,
nandyan parin kayo sumusuporta kong magulang
nagpalakas loob, "lil sisa" galingan mo
para sa inyo ipapanalo ko ang laban na ito

chorus

Ang Buhay ay sadyang ganyan
minsan ay may kalabisan
ang mahalaga'y magawan ng paraan
at atin itong malabanan

At parang aking musika
hangga't sa maaring mapaganda
ng maibigan ninyo ang bawat mensahe
at daloy ng aking "Melodiya"

2
Mabigat na tagumpay, maingat kong laging hawak
palakpakang masigabong nagpupugay mailagak
ng daan daang kataong taimtim nakikinig
sa kabisadong katagang lumalabas ng aking bibig
sa kanan at kaliwa'y, dimudumog ng tanaw,
mga tugo'y binabalik paglalamuna'y nauhaw
iinum ka ng papuring malinis kong titignan
ngunit madumi sa utak pag putol pinakinggan
inuulan ng positibo't negatibo na kumento
madalas nahahaluan ng mga bulong na kwento,
ano ang masama, sa isang pagiging guro?
sa pribado na paaralan po ako nagtuturo,
hati sa dalawang panig kanino maghihinala,
mahal kong taga hanga sakin ka maniniwala,
di hinihingi respeto yan kusang binibigay,
kong karapat dapat bang inabot sa iyong kamay

chorus

Ang Buhay ay sadyang ganyan
minsan ay may kalabisan
ang mahalaga'y magawan ng paraan
at atin itong malabanan

At parang aking musika
hangga't sa maarimapaganda
ng maibigan ninyo ang bawat mensahe
at daloy ng aking "Melodiya"


3

May matyagang nagaabang na magpapakuha ng litrato
lagda ng aking pirma ay pangarap na kong itrato
laman ng pahayagan, radyo at telebisyon
puyat sa hindi matanggihang mga imbitasyon
sa gabing pagtatanghal pulang telon nagbubukas
hinahawi ng pangalang sinigaw ng makalakas
ngunit handa ko yang bitawan ng buong paninindigan
dahil yan utang na loob sa inyo mga kaibigan
ko...

chorus

Ang Buhay ay sadyang ganyan
minsan ay may kalabisan
ang mahalaga'y magawan ng paraan
at atin itong malabanan

At parang aking musika
hangga't sa maarimapaganda
ng maibigan ninyo ang bawat mensahe
at daloy ng aking "Melodiya"

This image may be subject to copyright.
Lil-Sisa feat Kawayan - Melodiya Lyrics

0 comments:

Post a Comment